Ms. Generous
"okay class, see you tomorrow... graded recitation bukas ah? magaral kayo!" pagpapaalam sa amin nung science teacher namin... tumayo naman ang lahat at nag goodbye kay mam.... yes!!! recess na!!!!!!
ang favorite kong subject!!!! RECESS!!!
bakit?
ahe. hindi lang dahil sa kakain ako..xDDD kundi dahil... makikita ko na din ulit siya.:)
"ge-ge!!! halika na kaen na tayo sa canteen!! mamaya, maubusan pa tayo ng pagkaen dun!!!" higit naman sa akin ng bestfriend ko...
ehem ehem.. papakilala muna pala ako..
ako si Geraldine Jimenez... o diba? ang panget lang ng pangalan ko. parang masyadong naadik yung mama ko sa pangalan ng ama ko.(gerald) at ginawa lang niyang pambabae.. oha! thankful nadin ako na pinersonalized pa niya at hindi gerald ang ipinangalan sa akin.... sa nickname naman, "ge-ge" nalang nu! kesa naman "gera" hindi ako naghahamon ng away !! peace officer nga ako eh! kesa naman "gerald" ai nako! basta ako iyon:)
"... uy crisha i-order mo nalang ako, sinangag with itlog ah! may pupuntahan lang ako.. " sabi ko sa ever loyal kong bestfriend na si crisha mae sanchez.....mabait yan kahit na napaka secretive ko sa buhay ko.... lalo na sa love life ko...XDD
"pupuntahan mo nanaman siya???" tanong pa niya sa akin..... hanggang "SIYA" lang si bff.... kasi.. hindi ko sinasabi kung sino ang nagpapatibok sa aking puso..... bakit??? sa trip ko lang.. .hahaha. joke lang...eh kasi one sided love lang naman eh...hindi na yun mahalaga....
"oo! saglit lang ako bff..sige ah! una ka na!!" sabay bitaw ko kay crisha at takbo ko sa may building namin...
*blag*
"ay sorry!" sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nakita kung sino yung nabangga ko...dere-deretso padin ako....
"uy ge-ge! san ka pupunta at madaling madali ka...??" >_______________________< emf!!
that voice.... i love este i knew that voice..... sa kanya yun sa kanya!!!!! ang swerte ko naman ngayon!!! baka, we're destined na talaga... pinaglalapit ng tadhana!!! napalingon naman ako at napangiti abot tutuli este abot hanggang tenga... ^______________________________^
" uy kuya steven ikaw pala yan...sorry nga pala..... " buo na recess time ko!!! joke! buo na araw ko!!!! nakita na kitaaaaa!!!!
"sino humahabol sayo???? hahaha.madaling madali ka ah.. o baka naman may hinahabol ka??? sino???"
"ikaw...ay este yung hikaw!! oo tama! yung hikaw ko nawawala!!!!!!" >__________< ano ba yan geraldine! umayos ka nga!!!
"ikaw talaga, hahhaa...sige una na ako ah! goodluck sa paghahanap mo ng ako...ay este.. ng hikaw mo..." sabi pa niya sa akin tapos he went on his way na.... oo ikaw yung hinahanap hanap ko.... bumalik na ako sa canteen at nagmadaling kainin yung inorder sa akin ni crisha dahil magta-time na... hindi na ko nabibilaukan.hahha! sanay na eh. gawain ko ito araw araw.
/fast forward sa foundation day ng school/
syempre, kasama ko si crisha sa pag gagala sa school grounds, try try ng mga booth, pero hindi papahuli sa jail booth!! nakasalubong namin si kuya steven sa darting booth...
"wow kuya steven, ang galing mo pala sa darts!!!!" nakakamangha kasi eh!!!! bull's eye kaya lahat ng tira niya!!
"tama na yan! ibang contestant na yan, oo na steven magaling ka na. pumili ka na nga prize..." ----sabi nung guys na nagmamanage ng booth kay kuya steven..
"oh ge-ge pili ka na ng prize...." sabi niya sa akin..... /////>_________<///////
ako daw??? ako pipili ng prize?????
"ako ????" tanong ko ulit... syempre bago ako lubos lubusang kiligin,, dapat...dapat... sure na sure diba??? ayoko nga ma disappoint.!!
"oo nga ikaw.. may iba pa ba akong ge-ge na kilala???" kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!! napahigpit yung hawak ko kay crisha...... sasabog na ako sa kileeeeeeeeeeg...... kilig to the bone marrow!!!! ikaw ba naman papiliin ng prize ng crush mo este ng boyfriend mo diba??? kung nalilito kayo sa sinabi ko kanina.. na one sided lang ito..oo one sided nga lang... boyfriend ko siya...hindi lang niya alam!!! hahaahaha.. eh...wala kasi akong lakas ng loob sabihin sa kanya... anong nararamdaman ko.. kaya sa mundo ko... boyfriend ko siya... umangal???? ipapapaslang ko! charot^_____________^
"a...ayun oh.. yung bear...." turo ko sa bear na mukhang puppyxDD
pagkatapos ko ng thank you-han session ay naghiwalay na kami ng landas ni kuya steven ....
"kakilala mo pala siya??? buti ka pa kilala niya..." malungkot na boses ni crisha ang sumalubong sa akin....
"bakit ka malungkot crisha???? " kinakabahan ako may problema yata yung bff ko...
"matagal ko na kasing mahal yung lalaking yun eh..nakuntento na akong tignan siya sa malayo.. pero parang hindi ko na kaya.. gusto ko na talaga siya ge-ge..... close kayo diba???? pede mo ba akong ipakilala sa kanya?? pede mo ba akong tulungan mapalapit sa kanya??? malay mo mahalin din niya ako kapag nakilala na niya ako...???"
.....silence.... hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko... tinitignan ko lang si crisha,....ang hirap mamili........
"ah???? a........." ----> speechless padin ako.....
"please bff...."
at sa hindi ko man lang masyadong napag isipang kadahilanan... sa katangahan nlang din siguro...... napatango nalang ako....
"yes!!! i love you talaga bff!!! salamat ha???thank you talaga!!" sabay yakap sa akin ni crisha..... sa pagyakap niya sa akin...naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko...
pagkatapos kong patayin ang sarili ko... syempre emotionally no..hindi physically.. kundi multo nalang ang nagkukwento ngayon sa inyo..... ....balik na. pagkatapos kong ilakad ang bestfriend ko sa taong mahal ko...... nagbunga naman ang paghihirap ko......
isang araw.... papunta kami sa gym....magkasama kami ni crisha (as usual) ng makita namin madaming tao ang nagkakanda gulo gulo duon.... pumunta naman kami at nakita namin si kuya steven sa may stage...
"crisha mae sanchez..... i love you..would you please be my girl???"
nung narinig kong sinabi yun ni kuya steven... lumabas ako ng gym... ang tanga mo rin naman no geraldine.... iiyak iyak ka ngayon eh kasalanan mo rin naman..... narinig ko nalang ang sobrang hiyawan ng mga tao sa gym.. alam ko na kung anong nangyari....
naupo ako sa may bench.... ng naramdaman kong may tumabi sa akin....
"miss umiiyak ka ba???" nakayuko lang naman ako....
"hindi naman ako umiiyak eh..."
"eh ano yan?"
"sus, napuwing lang ako.."
"grabe namang puwing yan... eto oh..panyo..wala namang masama sa pagiyak eh...." sabay abot niya sa akin ng panyo...
"salamat...." yun nalang ang nasabi ko sa kanya... dahil tuluyan na akong naiiyak.... T____________T
alam ko naman na mangayayari ito eh...pero bakit ang sakit padin????? yun na ata yung unang beses na naiyak ako sa harap ng ibang tao.. hindi ko kasi mapigilan eh... ang sakit sakit... tapos alam mong sarili mo yung may kasalanan?? sarap paslangin ng sarili ko...
nagulat naman ako nung yakapin ako nung lalaking hindi ko man lang kilala... pinatahan niya ako.. at higit sa lahat...hindi niya ako iniwan..
"salamat talaga..*sniff*" humihikbi kong sabi sa kanya...
"may bayad to no? joke lang... i'm enzo by the way."
========================================
isa lang ang masasabi ko.... "lahat naman ay may perfect timing and reasons sa buhay. kaya ipaubaya nalang natin kay God siya kasi ang takbuhan natin."
the end :)